Magpakailanman August 13 2016


Share It To Your Friends



Advertisement

Watch Magpakailanman August 13 2016  full episode replay PINOY TV

Magpakailanman presents “Sa Kabila ng Lahat, Ikaw Pa Rin” as Sheena Halili

GMA Network brings back the award-winning drama anthology Magpakailanman to inspire the lives of the Kapuso viewers once more. It will be hosted by multi-awarded broadcast journalist Ms. Mel Tiangco.

Episode 192

Isa sa napakasakit na maaring maramdaman ay ang talikuran ka ng taong iyong minamahal sa panahong mas sila’y iyong kinakailangan…Ngunit napakasarap din matanto na dahil sa pangyayaring ito malalaman mo na sa kabila ng mga sakit na ito ay darating ang panahon na ibibigay ng Diyos ang taong para talaga sa iyo.

Bata pa lang si Angelica ay iba’t ibang pagsubok na ang dinanas nya. Isa na rito ang pangyayari sa kanyang buhay noong Abril ng taong 2009.

Habang nagkakasiyahan ang kanyang mga kaibigan at nobyo noon, sumabit ang isang damit nila sa cable ng kuryente. Sa pagtatangka nilang kunin ito ay sumabog na lang at sila ay nasunog!

Sa kabila ng pagkasunog ng halos buong katawan ni Angelica ay wala nang sasakit pa sa pag-iwan sa kanya ng taong akala nya ay totoong mahal sya. Nadagdagan pa ito nang malaman nyang pati mga naipundar nya ay nilustay nito.

Tinaningan na si Angelica ngunit himalang nakaligtas.

Ngunit dahil sa pinsalang natamo lalo na pisikal na kaanyuan ay nawalan na ng pag-asa si Angelica.

Hanggang sa bumalik sa buhay nya si Paul, ang unang nagpatibok ng kanyang puso noong sila ay High School. Papatunayan ni Paul at tutulungan si Angelica na tanggapin na hindi pisikal na anyo ang basehan sa pagmamahalan…Na sa kabila ng lahat ay huwag susuko dahil darating ang tamang panahon na ika’y makakaahon din sa lahat ng sakit na iyong naranasan.

Abangan ngayong Sabado si Sheena Halili sa isang natatanging pagganap bilang Angelica.

Makakasama din sina Glydel Mercado, Rodjun Cruz, Phytos Ramirez, Bryan Benedict, Arriane Bautista, Mara Alberto at Dan Alvaro.

“Sa Kabila ng Lahat, Ikaw Pa rin” ay sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Neal Del Rosario,mula sa panulat ni Senedy Que at pananaliksik ni Georis Tuca.

Alamin kung paano maging malakas at matatag sa pagharap ng mga masasalimuot na pangyayari sa ating buhay, ngayong Sabado, August 13, sa programang nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao,

 

 








Share It To Your Friends