Magpakailanman June 18 2016


Share It To Your Friends



Advertisement

Watch Magpakailanman June 18 2016 Ep. 183 full episode replay PINOY TV

Magpakailanman presents “”Higanti ng Barang” Yasmien kurdi at Rafael Rosell”

Episode 183 Ipinaglaban mo ba ang karapatan ng iyong magiging anak na magkaroon ng ama? Iginiit mo ba ang karapatan mo bilang asawa at ikaw ang pinili n’ya? Paano kung ang lahat ng ito ay mauwi sa isang nakakakilabot na paghihiganti at kamatayan… gamit ang kapangyarihan ng barang?

Masayang nagsasama noon sina Ellen at Wiily kasama ang anak ni Ellen, na si Karen, sa una nitong naging nobyo. Pero buntis noon si Ellen nang malaman n’ya na mayroon palang ibang pamilya si Willy sa probinsya. Dahil dito, pinapili n’ya si Willy. Siya naman ang pinili ni Willy dahil siya talaga ang mahal nito at mga anak na lang ang inuuwian sa unang pamilya. Tuluyan nang nakipaghiwalay si Willy kay Tetchie sa telepono. Dahil dito, sumugod si Techie sa Maynila para makiusap kay Ellen na huwag pagkaitan ng ama ang kanyang mga anak. Pero nagmatigas si Ellen. Hindi na s’ya pumayag na makikipagkita pa si Willy kina Tetchie. Sa galit ni Tetchie, bago lisanin ang lugar ay nagbanta ito kay Ellen.

Lumipas ang mga araw, nagsimulang makaramdam ng kung anu-ano si Ellen sa kanyang katawan. Malaki ang kanyang tiyan sa pangkaraniwang laki ng isang nagbubuntis. Nakakaramdam din s’ya ng kakaibang paggalaw sa loob nito. Ikinatakot na lalo ni Ellen nang magising s’ya isang umaga na puno ng mga uod at iba pang insekto ang kanyang higaan. Tila galing sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Kumonsulta sila sa isang albularyo at nalaman nilang may nambabarang kay Ellen. Iisa lang ang iniisip ni Willy na may kakayahang gawin ito – si Tetchie. Sumugod si Willy sa probinsya pero hindi na n’ya natagpuan si Tetchie. Humingi ng tulong si Willy sa isang albularyo para makontra ang pambabarang ni Tetchie pero nahirapan ito. Habang tumatagal ay lalong lumalala ang mga kababalaghang nangyayari sa katawan ni Ellen. Hanggang sa dumating ang araw na kanilang kinatatakutan – namatay ang dinadalang bata ni Ellen.

Ipagpapasa-Diyos na lang ba nina Ellen at Willy ang nangyari? O igaganti nila ang pagkamatay ng sana’y kanilang unang anak? Matatapos pa nga ba ang mga kababalaghan sa buhay ng mag-asawa?
Abangan ngayong Sabado sina Yasmien Kurdi at Rafael Rosell sa isang kakaibang kuwento ng pag-ibig na nauwi sa nakakapangilabot na kababalaghan at kamatayan. Kasama din nila sa episode sina Bettina Carlos, Maricris Garcia, Prince Vinluan, Angie Ferro at Rouel De Villa.









Share It To Your Friends