Wowowin November 25 2016



Watch Wowowin November 25 2016 full episode replay of PINOY TV

Ariella Arida, isa sa mga malalaking sorpresa sa pagbabalik ng ‘Wowowin’

Matapos magpahinga ng dalawang linggo, balik-telebisyon na si Willie Revillame at ang kanyang programang Wowowin. Maliban sa mas pinabonggang stage at palaro sa Kapuso variety game show, naging malaking sorpresa din ang pagpapakilala sa bagong celebrity co-host ni Kuya Wil na si Ariella Arida.

Tuwang-tuwa si Willie sa mainit na pagtanggap ng kanyang mga tagasubaybay at supporters. “Actually araw-araw magpapasaya ‘yan. Ang sarap kasi ng feeling ‘di ba kanina. Hindi ko naman ineexpect na ganun ‘yung pagsalubong sa’yo sa pagbabalik mo. Lalo kang gaganahan, lalo kang ma-i-inspire sa mga taong ‘to,” aniya sa panayam ng 24 Oras. –

Sa comeback episode ay pinakilala na rin niya ang Miss Universe 2013 3rd runner-up bilang kanyang regular co-host. “Bago ang lahat, nagpapasalamat ako ng taos puso, as in. Syempre wala ako sa harap ninyo pong lahat kung hindi dahil sa ating napakabuting host at napakagwapong host. Wil, thank you so much sa tiwalang binigay mo sa akin,” pahayag ni Ariella. “Sobrang laking oportunidad ‘yung binigay mo sa akin. Sa lahat po ng management, ng staff po ng Wowowin, maraming maraming salamat. Of course, sa GMA management, maraming salamat Kapuso,” patuloy niya.

Sa pagpapakilala ng dating beauty queen ay binalikan niya ang kanyang naging karanasan noong 2013. Pag-alala niya, “Alam ko hindi natin ‘to makakalimutan kasi nung nangyari ‘yung Yolanda, November 8. ‘Yung competition ko po , November 9 kaya alam mo ‘yun, medyo masakit sa loob ko na parang sa bansa ko parang naghihirap. So ayun ‘yung ginawa kong motivation para makuha ‘yung korona.

Pero kahit third runner-up, mahalaga top 5 pa rin at nagbigay tayo ng hope sa ating mga kababayan.” Hinangaan naman siya ng Wowowin host dahil sa kagustuhan nitong maging inspirasyon sa mga Pilipino. Pag-welcome ni Wil, “Syempre, you’re part of this, bongga na. Ikaw pa lang bongga na. Isa ka nang, of course, host ng Wowowin ngayon.”

Puno ng pasasalamat ang bagong Wowowin co-host sa kanyang unang araw sa programa. “Thank you po sa inyong lahat. Sobrang excited na ako na makasama kayo araw-araw, at alam ko na excited din sila, hindi lang ako dahil balita ko kasi sobrang bongga ng Wowowin ngayon,” sambit niya. “Ito ‘yung show na talagang tumatak sa puso ng bawat Pilipino,” wika rin ni Ariella.











Write your comments and report broken video here


Tags: ,